top of page
Unang_Markahan.png

Unang Markahan

        Makabago ang sistema ng cyber-school o online classes. Sa una, ako’y nanibago pa dahil hindi ito ang aking nakasanayan na sistema. Pero habang tumagal, nasasanay na ako kaya ito ang aking mga karanasan noong unang markahan.

        Una sa lahat, maganda naman ang naging simula ng taong ito at sana’y mag tuloy-tuloy ito hanggang dulo. Anu-ano nga ba ang naging asignatura ko ngayong markahan? Hindi ba lahat na ng mga asignatura ay tinuturo hanggang sa katapusan ng taon? Dahil online na ang sistema ng pag aaral, hinati ng mga guro ang mga asignatura sa dalawang semestre. Sa semestreng ito ay tinatalakay namin ang mga asignaturang Matematika, Siyensiya, Filipino, Literatura, Music at Arts.

   Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong mahahati ang semestre dahil akala ko mababawasan ako ng stress sa buhay. Nabawasan naman kahit papano, ngunit iba ang pakiramdam nung stress na ibinibigay ng mga nasabing asignatura.  Sa kabilang dako, siyempre ‘di mawawala ang saya o ligaya na naranasan ko. Isa sa pinakamasayang naranasan ko sa markahang ito ay ang napiling maatasan na mangolekta ng gold bars ng mga kaklase ko sa asignaturang literatura. Ang “gold bars” ay ang binibigay sa amin ng guro kapag kami ay nakakasagot sa recitation. Hindi lang sa pangongolekta ako naging masaya, pati rin sa pagsagot din ng mga tanong. Masaya sa pakiramdam kapag alam mong nakakasabay at may natutunan ka kasi alam mo na napagpapabuti mo ang pagaaral mo.

       Sa pangkalahatan, makikitang naging masaya ang unang markahan sa akin. Para sa ‘kin, ang mga problema o di kaya ang sinasabing stress sa buhay ay hindi hadlang kung hindi parte ng buhay para matuto tayo sa ating mga pagkakamali. Kapag nalampasan natin ang mga ito, unti-unti natin maabot ang pangarap natin. Sa pagtatapos ng sulating ito, magi-iwan ako ng isang kasabihan:

     “Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang.”

Likha ni: Emil Romeo V. Collado

bottom of page