top of page
grade is just a number.jpg

Pasa

Kung minsa’y nakakalungkot ang mababang numero
Tila ba isa itong kasalanan
Ngunit di nito masasalamin ang pagkalugi ko
Dahil kailangan din itong maranasan
Naisip kong di dapat ako mabilanggo
Sa silid na gumapos na sa iilan
Bawat oras ay bilang ko
Nagtatrabaho kahit minsan ay naiilang
Di nabulag sa matataas na grado
Di yan sukat ng aking abilidad
Pumasok kahit na sarado
Marami ang nagduda sa aking edad
Ngunit wala namang kailangang pabilibin
Siguraduhin lang di ka nila kayang maliitin.

Likha ni: Andre Quintos

bottom of page